Matapang ka lang kapag nakaharap ka sa computer.
Normal sa atin ang mag-surf sa internet at pumunta sa site
lalo na kapag nawili ka sa pinuntahan mong site, halimbawa forum site ang
pinuntahan mo minsan hindi maiiwasan ang mapa-away lalo na sa isang member ng
forum site kagaya ng naka-away ko na tumahimik din sa huli dahil hindi niya
kinaya ang kalibre ko sa pagka-suplado, tawagin nalang natin siyang “Mr.Rant”.
Sa facebook ng x ko nakita ang totoong itsura ni Mr.Rant,
andon yun nag-stalk ako sa profile niya nung time na naka-add pako sa kanya,
hindi sa mapanglait akong tao ang masasabi ko sa itsura ni Mr. Rant “No
Comment” ako.
Nag-umpisa ang pagsasabi niya ng hindi maganda sakin simula
nung na-text ko ang x ko na girlfriend niya ng hindi sinasadya, isang araw bago
dumating ang kaarawan ko ay maaga kaming nag-celebrate ng kaibigan ko madaling
araw na nun bigla kong tinignan ang cellphone ko para mag-text, nang ise-send
ko na yung blank message hindi ko napansin na sa x ko pala nai-send yung text
kong walang laman kaya medyo napaisip ako kung bakit sa kanya ko nai-send.
Oras nalang ang binibilang ko para salubungin ang mismong
kaarawan ko, habang nakaharap ako sa computer pinuntahan ko yung forum site na
madalas kong puntahan, nag-browse ako sa isang thread na ang nakalagay “What
are you thinking” kaya nagpost ako ng kung ano-ano as thread para malibang
kahit konti, sa hindi inaasahan may nakita akong post ni Mr.Rant na alam kong
sakin ang patama na ang nakalagay,
“ maawa
ka naman sa sarili mo.... tsk!”
Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong may susunod pa
siyang sasabihin kaya nagobserba lang ako at nag-aabang sa susunod niyang post,
tama nga ang hinala ko dahil nagpost ulit siya ng panibago sa thread na ang
nakalagay,
“wag na kasi mag assume na babalik pa yung taong hindi na
babalik...
kaya wag ka na maghintay or umasa.... na-pick up mo? ”
kaya wag ka na maghintay or umasa.... na-pick up mo? ”
Hiniritan ko ng:
“ang pikon ay laging talo; ang suplado ay panalo!
TSE! ”
TSE! ”
Akala ko titigil na si Mr.Rant pero nagkamali ako, nagpost
na naman ulit ng hindi maganda ang nakasulat,
“immature? no wonder.... PATHETIC! ”
Akala ko huli na yung post niya pero humirit pa siya ng,
“ try
mo pa isang send ng text.... mapapahiya ka na...”
Habang iniintindi ko ang post ni Mr.Rant napaisip ako bigla
sa loob-loob ko “Hindi ko hahayaang ikaw ang sisira sa mismong araw ko kaya
babawian kita, halos tapakan mo na pagkatao ko dahil sa mga post mo wala kang
right para sabihan akong immature dahil hindi mo ko lubos na kilala, sa
pinapakita mo halatang insecure ka sakin dahil mas lamang ako sayo ng sampung paligo”
Pagkatapos kong mapaisip biglang may pumasok na kalokohan sa
utak ko, desidido akong i-post yung gusto ko iganti at ihirit sa kanya, kaya
nagpost ako ng simple pero pamatay,
“ignore
the idiots
ps:TSE!”
ps:TSE!”
Pagkatapos ko magpost ng ganon sa thread hindi na siya
nagpost muli kaya sa isip ko “akala mo magpapatalo ko sayo, in your dreams!”
Suplado Moral Lesson:
Huwag basta-basta mag-amok kapag nasa harap ng computer para
hindi mapahiya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento