Marami sa atin ang ayaw ng
ulan pero hindi lahat ayaw sa ulan, may iba gustong-gusto nila ang ulan dahil
isa itong senyales ng panibagong pag-asa sa darating na bukas at kagaya ng
sinabi ko meron ding may ayaw talaga dahil malaking perwisyo ito sa kanila
dahil kung ano-ano ang naiisip nila sa tuwing papatak ang bawat butil ng tubig
sa bubong man o sa buong pagkatao ng bawat nilalang, hayaan niyong ikwento ko
ang aking dahilan kung bakit ayoko ng tubig na pumapatak galing sa langit.
Panahon ng tag-ulan nung
iniwan ako ng babaeng akala ko na for life ko makakasama pero nagkamali ako,
mas pinili niya pang balikan yung ex niya kesa sakin na ang pakiramdam ay
unti-unting dinudurog ang puso at pagkatao ko, maraming bagay ang pumapasok sa
aking isipan kagaya nalang ng pagpapatiwakal pero biglang nagbago ang pananaw
ko sa buhay, Hindi ko nalang itutuloy ang binabalak ko dahil kapag tinuloy ko
ay lumalabas na mahina ako kaya hindi dumanak ang dugo.
Nagdesisyon akong ituloy ang
mga bagay na nagpapasaya sakin para unti-unti kong makalimutan ang bagay na
kumikirot sa puso ko, madalas kasama ang malalapit na kaibigan, mga kamag-anak
at pamilya para hindi ko na maalala ang masakit na sinapit pero may nangyaring
hindi maganda nung ako’y nag-iisang naglalakad pauwi ng bahay, biglang bumuhos
ang malakas na ulan habang tinatahak ko ang daan pauwi imbes na tumakbo para
hindi mabasa tinuloy ko ang paglalakad dahil may isang bagay akong gustong
gawin sa ulan, ang ibaon sa limot ang sakit na nararamdaman at dinadalangin na
huwag ko ng maranasan ulit ang mapait na sinapit dahil sa babaeng hindi
nagmahal ng totoo bagkus ay nakipaglaro lang, maswerte parin ako dahil hindi
pala ko nag-iisa dahil dinadamayan ako ng tubig na mula sa kalangitan at sa
bawat patak niya unti-unti kong nakakalimutan ang isang pangyayari kaya’t sa
tuwing sumasapit o bumubuhos ang ulan nalulungkot ako dahil may naaalala ako,
naaalala ko ang bawat sakit na iniwan sakin ng nakaraan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento