Martes, Hulyo 2, 2013

mensahe sa taong nagpapanggap

trato ko sa katulad mo ay totoo
samantalang sayo ay may bahid ng pagiging inggitero
kaya't nagmu-mukha kang mang-mang at inutil
kaya't pilit kitang gusto itakwil.

sa ugaling mali na sayo mismo nagmula
kahit hindi ko na gawin na isang pabula
sapat na ang kagaya nito sa isang katulad mong peke
kahit ika'y magwala at magligalig wala parin akong paki.

tinanggap ka ng buong-buo
pero hindi ka nagpakatotoo
sa kabutihang kapalit
kaya't ika'y unti-unting pumapangit.

nagtataka kung bakit ganon ang inasal
kahit ang itura mo'y mukhang sinasakal
huwag itago ang iyong totoong mukha
ilabas ang totoong itsura na mismong nasa taas ang lumikha.

magsuot ka man ng maskara ay hindi parin maitago
ang iyong sariling baho na ikaw mismo ang nagumpisa at nagpaka-g@#o
bigla kang bumaligtad dahil sa isang bagay na alam ng karamihan
ang ipadama sa taong mali ang totoong nararamdaman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento