Martes, Hulyo 2, 2013

sakit na iyong iniwan

walang kaalam-alam kung ano talaga ang totoong dahilan
una mong sinabi ay ayaw sa akin ng iyong pinsan
napaisip bigla at bakit pati siya nasama sa problema
kahit alam kong hindi na tama.

ang mga salita na iyong binibigkas
at pinipilit maging mapagmataas
kahit ako'y tinutulak palayo
pero pinipilit parin maging tayo.

ngunit ako'y nabigo na maging maayos ang lahat
pinamukha sakin na ako'y hindi karapat-dapat
kahit ang sarili ko'y pinipilit
hanggang sa ikaw ay nagalit.

ginawa ang lahat ng paraan para ako'y iwasan
hanggang sa ako'y iniwan
kaya't ako'y naging tuliro
at naging talunan sa laro na alam mong ikaw ang laging panalo.

lumipas ang ilang buwan bago nagkaron ng pagkakataon
akala ko'y okay na ang lahat para sakin
pero hindi parin napawi ang sakit na aking nararamdaman
kaya't hindi agad nakabangon
sa sakit na iyong binagay sa buo kong pagkatao
kahit matagal ko ng tinanggap na ako'y talo.

pinipilit ibalik ang dati
pero sadyang ako parin ang nahihirapan
kahit nagmukha akong tanga sa una palang
hindi ko inisip na ako'y isang mang-mang.

pumayag ka man bumalik sakin pero hindi ako pumayag
sa gusto mong desisyon na alam mong ika'y may babalikan
kaya't ako'y lalong nainis dahil sa iyong inasal
kahit hindi ko na ipagdasal
ang lahat ng iyong ginawa at hindi naging totoo
sa aking nararamdaman alang-alang sayo.

binaon ko man sa limot ang lahat
ngunit kulang at hindi pa sapat
kaya't ngayon ay nangingibabaw ang galit
huli na para ika'y umamin
hindi rin ako makikinig kahit ano pa ang iyong gawin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento