Miyerkules, Abril 25, 2012

24 oras


tuluy-tuloy lang ang pag-ikot ng kamay ng orasan
pero sa bawat segundo maraming kaganapan
na pwedeng mangyari sayo
o sa kamag-anak mo

mga masasamang elemento na nasa kanto
mag-ingat ka dahil hindi ka pa sigurado kung ika'y nakaligtas
maraming pwedeng mangyari sa loob ng bente kwatro oras
kahit ano pang gawin mo hindi ka makakatakas kung oras mo na talaga

sumigaw ka man ng malakas pano kung oras mo na
maging biktima ng mga bwitre na nagtatago sa dilim
na mismong hahatakin ka pailalim
hindi mo makikita ang araw sapagkat ang paningin mo ay takip silim

lahat pwede maging biktima ng dahas
habang ang paligid mo ay puno ng ahas
kaya't pilitin mo makatakas
kung gusto mong abutan ka pa ng bukas

walang pinipiling araw o oras ang karahasan
lahat pwede mapagtripan
mahirap o mayaman
pana-panahon lang yan


ano ang gagawin mo para makaiwas?

04/13/12