Lunes, Mayo 20, 2013

Ulan: Bakit Nakakalungkot kang Pagmasdan


Marami sa atin ang ayaw ng ulan pero hindi lahat ayaw sa ulan, may iba gustong-gusto nila ang ulan dahil isa itong senyales ng panibagong pag-asa sa darating na bukas at kagaya ng sinabi ko meron ding may ayaw talaga dahil malaking perwisyo ito sa kanila dahil kung ano-ano ang naiisip nila sa tuwing papatak ang bawat butil ng tubig sa bubong man o sa buong pagkatao ng bawat nilalang, hayaan niyong ikwento ko ang aking dahilan kung bakit ayoko ng tubig na pumapatak galing sa langit.

Panahon ng tag-ulan nung iniwan ako ng babaeng akala ko na for life ko makakasama pero nagkamali ako, mas pinili niya pang balikan yung ex niya kesa sakin na ang pakiramdam ay unti-unting dinudurog ang puso at pagkatao ko, maraming bagay ang pumapasok sa aking isipan kagaya nalang ng pagpapatiwakal pero biglang nagbago ang pananaw ko sa buhay, Hindi ko nalang itutuloy ang binabalak ko dahil kapag tinuloy ko ay lumalabas na mahina ako kaya hindi dumanak ang dugo.

Nagdesisyon akong ituloy ang mga bagay na nagpapasaya sakin para unti-unti kong makalimutan ang bagay na kumikirot sa puso ko, madalas kasama ang malalapit na kaibigan, mga kamag-anak at pamilya para hindi ko na maalala ang masakit na sinapit pero may nangyaring hindi maganda nung ako’y nag-iisang naglalakad pauwi ng bahay, biglang bumuhos ang malakas na ulan habang tinatahak ko ang daan pauwi imbes na tumakbo para hindi mabasa tinuloy ko ang paglalakad dahil may isang bagay akong gustong gawin sa ulan, ang ibaon sa limot ang sakit na nararamdaman at dinadalangin na huwag ko ng maranasan ulit ang mapait na sinapit dahil sa babaeng hindi nagmahal ng totoo bagkus ay nakipaglaro lang, maswerte parin ako dahil hindi pala ko nag-iisa dahil dinadamayan ako ng tubig na mula sa kalangitan at sa bawat patak niya unti-unti kong nakakalimutan ang isang pangyayari kaya’t sa tuwing sumasapit o bumubuhos ang ulan nalulungkot ako dahil may naaalala ako, naaalala ko ang bawat sakit na iniwan sakin ng nakaraan.

a message for my father


I’m thankful to be your only son
even though my life is undone
you keep on trying to make me a good one
even though i became a prodigal son.

you taught me everything about life
even sometimes I’m being deaf
I'll keep on following your advice
even I’m thinking it twice.

you express your principles in life
while you didn't know what's really on my mind
you said it easier and simple
but for me it's being miserable

thank you for the non-stop comfort
and thank you for the moral support
now that your gone I'll never forget what you did for me
for all the things that you've made.

for keeping my feet on the ground
even though Im not yet ready when you left
in the end I've already accept your fate
time flies but your memories will remain
not only for me but for my siblings and mother
co'z that’s the way it should be.

mensahe para sa dating kasintahan


salamat dahil nakilala ko kayo
nagpapasalamat din ako dahil naging tayo
sumaya dahil hindi kayo lumayo.

binigay ang oras at atensyon sa taong tapat magmahal
habang unti-unti niyo kong sinasakal
dinaig pa ang hayop na pusakal
wala kayong pakialam kahit magdamag pa kayong dumaldal.

pinupuna niyo ang aking pagkakamali 
dahil kayo'y isang makasarili
ayaw tanggapin ang sinasabi kong tama
sapagkat takot pagtawanan.

kaya't ako'y inyong iniwan
habang unti-unti akong pinapahirapan
sa sakit na inyong binigay
kahit muntikan ko pang ikamatay.

ganon man ang nangyari
hindi tumagal ang lahat sa atin
iniwan niyo man ako noon
naglalaway naman kayo ngayon.

panay ang papansin
pero sa inyo'y walang balak lumingon
ang namagitan ay lumipas na
kaya't huwag ng hukayin pa.

dahil hindi interasado
kahit ano pa ang iyong estado
magsawa kang mangarap 
habang ang sakin ay unti-unting natutupad.

a message for my ex


your eyes deceived by illusion
for the things to be unseen
miserable life you deserved and unforgiven for the actions you did for the silent one
you can never be the one.

even your paying the prize
i don't need to memorize
the failure that made
while im going to unbreak.

the binds between the two of us
that will be last
stop pretending to be true
co'z your talking to a statue.

deaf for all the lies you made
feelings starting to fade
im moving on without you
i don't want to experience the same fate again
even it will remain.

you lied but i tried
life is ruined
because of being selfish and stupid
never appreciate of every effort i made.

it's better if your not with me
so i won't experience it again.

Hudas



minsan sa buhay ng tao
maraming mapaglinlang
kasama na ang gago
kaya't hindi mo alam kung sino ang totoo sayo.

kapag kaharap ka panay ang puri sayo
habang unti-unti kang sinusuwag habang hindi ka pa nakakalayo
kunwaring tunay na kaibigan 
habang unti-unti kang binabaon
sa iyong sariling hukay
na siya mismo ang gumawa para wakasan ang iyong buhay.

ano ba ang kasalanan sayo at ganyan ka
kaya't ang lahat ay nagtataka
sa maling gawain at ugali
at sa pagiging makasarili.

ingat ka kapag ang sinuwag mo ay nagising
habang buhay kang magiging praning
kahit ano pa ang gawin
unti-unting babawian.

ang lahat ng iyong pilit kinukuha
na sandaling mababawi sa mismong harap at iyong pagmumukha
kaya't wala kang magagawa
kahit ika'y magwala.

hindi ka man handa sa iyong sasapitin
ngayon palang ay iyong paghandaan
habang hindi ka pa binabaon
nang iyong dating kaibigan.

na tinuring na parang kapatid
kahit ika'y naging ganid
nabahiran ng mali
kaya't ngayon hindi ka mapakali.