Lunes, Pebrero 4, 2013

babaeng paasa

para sa mga na-friend zone at muntik ma-friend zone


inamin ang nilalaman ng puso
ngunit isa kang tuso
pinatagal ang sitwasyon
habang unti-unti kang binabaon.

nangunguna sa larong may halong pandaraya
dahil ayaw mong magparaya
hindi pa nakuntento sa iyong ginawa
habang ang isa ay nagmumukhang kaawa-awa.

ayaw mang isipin na ika'y babalikan 
dahil ika'y magmu-mukhang basahan
iniisip na ika'y hahabulin 
sa mata ng iba isa ka lang alipin.

tingin sa iyong sarili na isang perpekto
pero sa likod ng bawat ngiti ay laging naaapekto
sa mata ng iba tingin sayo'y mukhang inosente
pero kapag wala ng liwanag nawawala ang iyong pagka-disente.

gusto na sayo'y bumitaw
subalit mas gusto mo parin yung nasa ibabaw
walang pakialam kung makasakit ng iba
dahil halos walang kang pinagka-iba
sa bagay na alam mong ikaw ang laging panalo
na ang totoo takot kang matalo.

numero uno sa isang laro na ikaw ang nakakaalam
kahit hirap ang yong kalaro wala ka paring pakialam
ihanda ang iyong sarili sa karma na babalik
dahil unti-unting darating ng hindi inaasahan
kahit hindi ka maging sabik
asahan mong darating parin.