Miyerkules, Oktubre 3, 2012

COOL ISKUL







“Mr. Abadilla, bakit ka natutulog?” ang tanong ng aming English teacher
“Miss, masakit po ang ulo ko” ang sagot ko gamit ang mahinahon at pa-awa effect kong boses.

“Hala, pumunta ka sa Guidance at humingi ka ng gamot tapos bumalik ka agad ditto” paalalang sabi ni Ma.m.

“Opo Miss” malumanay kong sagot.

Pumunta ako sa Guidance Office para humingi ng paracetamol at nagpasalamat pero naisip ko saka na ko babalik sa classroom para hindi ako makarinig ng ingay kaya ang ginawa ko pumunta ko sa canteen, bumili ng pepsi na nasa disposable cup at isang krinkles na parang pupu ng baka. Bago kainin ang krinkles ininom ko na agad ang paracetamol na hiningi at inubos ang binili sa canteen.

Pagkabalik ko sa classroom masama ang tingin ng English teacher namin, “Bakit ngayon ka lang bumalik?” inis niyang sabi.

“Miss kumain pa po ko kaya late na po ko nakabalik” sambit ko na hindi alam kung matatawa o guilty sa kalokohang nagawa.

Miss kasi ang tawag sa mga teacher namin sa school, dalaga man o misis yun ang tawag namin sa kanila bilang pagrespeto.

Halos yan ang lagi kong ginagawa kapag tinatamad akong makinig sa klase dahil ang totoo talaga eh boring ang klase namin lalo na pag malapit na ang uwian kaya ang madalas ginagawa ng ibang kaklase ko eh nagiingay kung minsan lumalabas ng classroom at sa canteen tatambay para makaiwas sa lesson ng mga teacher.

Minsan akala ng ibang kaklase ko nagdadahilan talaga ko para makaiwas pero ang totoo masakit ang ulo ko kasama ng masakit na tyan dahil nabigla sa kinain o kaya wala akong kinain pag recess.

Masasabi kong yun ang pinaka worst kong kalokohan nung high school dahil akala ng mga classmate ko sobrang tahimik ko ang hindi nila alam kaya ako tahimik dahil natutulog ako minsan pa nga tulo ang laway ko kahit ayoko tanggapin na ganon eh ano magagawa ko eh ganon talaga.

Pero hindi lang yan ang kalokohan ko nung high school, meron pang iba pero hindi ganon ka-worst pero ikukwento ko parin para malaman niyo.

Oras ng klase namin sa T.H.E. nun, nakaupo ako katabi yung classmate ko na kasama ko rin sa kalokohan. Pumunta sa pwesto namin yung classmate naming isa na hindi namin madalas kasama para magtanong sa katabi ko, alam kong uupo siya sa upuan ko kaya ang ginawa ko tumayo ako pero hindi ako umalis sa pwesto dahil may space pa kaya hindi problema ang magsiksikan. Nung nakaupo na siya sa kinauupuan ko at ako naman ay nakatayo na eh may bigla akong naisip na gawing kalokohan na alam kong magtatagumpay ako hehehe… sakto naman na parang may digmaan sa loob ng tyan ko na hindi ko alam kung lalabas ba o hindi kaya’t nakiramdam ako, saktong parang nagkaron na ng gera sa tyan ko akala ko magkakalat ako kaya’t ang ginawa ko ninamnam ko ang pagsabog hanggang sa makarinig ako ng kakaibang tunog na alam ng marami.

“Prrruuut!” ang sagot ng aking pwit, sakto nakatapat ang pwit ko sa mukha ng classmate ko na nakaupo sa aking upuan.

“Anong ginawa mo?” tanong na inosente ng classmate kong aking napagtripan.

“Sira! Umutot ako, nasinghot mo ba?” siryoso kong sabi.

“G*%o ka amoy na amoy ko, ang baho!” medyo naiinis niyang sagot.

“Solid ba? ikaw ang kauna-unahan kong biktima sa bagay na yan” natatawa kong sabi.

 May isang bagay din akong ginawa nung JS prom namin nun na hanggang ngayon hinding hindi ko makakalimutan, nung time na nagpatugtog ng modern dance yung mobile na inarkila ng school namin, ako kasama yung ibang classmate ko pumunta  sa gitna anim kaming nagsasasayaw na parang ewan kahit pinagpapawisan.

Bigla kaming nakaisip ng kalokohan ng mga kasama ko, inaya naming magsayaw yung classmate naming babae at hinatak sa gitna, nung nasa gitna yung hinatak naming classmate pinalibutan namin para walang kawala.

“Sayaw na Marilou, huwag ka na mahiya” sambit ng classmate kong lalaki.
“Oo nga Marilou, uy sasayaw na yan huwag ka na mahiya hindi ka naman makikita sa gagawin mo” sambit ng isa ko pang classmate.

Hindi parin nagsasayaw yung hinatak namin, kami nagsayaw habang siya nasa gitna lahat samin marunong magsayaw ng tribal (usong sayaw nung 90’s na in sa mga taong gangster) kahit yung iba may mali sa ginagawang sayaw.

Sa pagpupumilit namin sa classmate namin na hinatak sa wakas sumayaw narin at nagulat kami dahil marunong siya mag-tribal dance, kami napahiyaw sa ginagawang sayaw hanggang sa:

“Si Sir papunta satin” pabulong na sabi ng isang classmate.
“Pag papalapit na si Sir unti-unti tayong umalis para hindi mahalata ni Marilou” pabulong kong sabi.

Lahat pabor sa naging desisyon ng isa kaya’t nagpatuloy sa pagsasayaw, habang lumalapit yung Teacher namin unti-unti kaming lumalayo at tumakbo ng konti, sa kasamaang palad yung classmate naming babae yung napagalitan at hindi kami dahil tingin ng teacher namin pangit tignan sa babae ang ganong sayaw, pagkatapos pagalitan yung classmate na babae nagtawanan kami sa gilid.

Nagpatugtog ulit ng modern dance yung mobile,inaya ulit magsayaw yung classmate na babae pero iba ang naging sagot niya.

“Mga sira! gusto niyo lang akong pag tripan” naiinis niyang sambit.



THE END.