Huwebes, Mayo 31, 2012

tampo


sa tuwing may pagtatalo
laging sumasakit ang ulo
kapag ika'y nang-aaway
hindi ako mapalagay.

pangit ang gising
samantalang ang tulog mo'y mahimbing
hindi makapag-isip
habang ika'y nasa panaginip.

maganda ang iyong gising
ngunit sa akin ay lubos na nakakapraning
hindi alam ang gagawin kung bakit ika'y tinopak
samantalang ako'y nawalan ng sapak.

kaya't sana nama'y huwag magtampo kaagad
solusyon ang tangi kong hangad
huwag ka sanang magalit
pakinggan ako kahit isang saglit.

isang bagay ang nais iparating
kahit hindi ka pa dumating
sana'y maintindihan
at huwag maging bugnutin.

pasensiya sa lahat
kahit ang iba ay hindi dapat
nararamdaman ko'y hindi magbabago
kahit ako'y mabigo.

tulog man ako o gising
isang salita ang nais sabihin
pagmamahal ko'y ganon parin.

hinding hindi masusukat
kahit kumuha ka pa ng panukat
wala ring katimbang
kahit manghiram ka pa ng panimbang.

basta't ang nararamdama'y totoo
tagos sa kaluluwa at puso
sagad pa hanggang buto.






unan


sa tuwing gumigising
ikaw ang laging kapiling
yakap ng mahigpit
kahit natatabunan pa ng puwit.

ikaw ang karamay
kaya't hindi pwedeng mawalay
sa pagtulog o paghiga
araw-araw papalitan ng punda
kahit minsa'y may bahid ng panis na laway.

huwag magaalala pagka't ika'y aalagaan
kahit magmukha ka pang basahan
ikaw ang gusto makasama kahit sa ibang bahay.
huwag lang akong mabibitay

bulak na pinagsama-sama
ginhawa ang nais ipadama
ilang beses man umiyak
andyan parin ang halimuyak.

salamat sayo
kahit walang binigay na payo.







Suplado Tips and the Kikiam Experience & How i come into writing

Moshi moshi minna san! 

Kailan ka nagsimula sa pagsusulat?

Well here’s my story that i just want to share how I began to write with no certain reason in the beginning but in the end I’ve already have a reason. Nung panahon ng aggression stage ko sa skateboarding sa tuwing uuwi ako ng bahay para magpahinga, kumain at buksan ang pc para magdownload ng mga mahahalay na palabas. Halos ganon lagi ang routine ko pag summer minsan start na ng class weekends lang ako nagskate pero lagi naman akong puyat..

Nung time na nagka girlfriend ako laging ganon parin ang social life ko na sa una parang hindi ako nagsasawa pero dumating yung time na iniwan ako ni girlfriend kaya I have no idea on how to recover my loneliness pero inside my mind I know I can overcome the madness but it’s not that easy actually  ilang nights ko kasama si Mr.extra strong beer para makalimot kahit saglit pero hindi naging madali para sakin, ginawa kong maging busy all the time para maka move on and alas im totally okay pero bago ako maging okay maraming tanong ang hindi ko agad nahapan ng solusyon but in the end I have an answer, “Subukan ko kayang magsulat ng poem kahit alam kong wala akong potential”

Dahil sa naisip kong idea sa sarili ko doon ako nagstart magsulat, nung una toxic kasi hindi ko alam kung talaga ang gusto ko I express sa ginagawa ko, pangalawa alam kong maraming critics, pangatlo magiging maganda kaya ang outline at ang pang huli marami kayang makakabasa.

Last year I’ve finish my first poem even though maraming correction mula sa mga nakabasa pero okay lang because it’s part of it, I give  for the people I know in real life and in social site.  nagawa ko yung first poem ko dahil sa babaeng bumasted sakin at nagpaasa, hindi ko na siya pinansin nun lalo na nung nabili ko ang libro ng pagsusuplado ni Stanley Chi  before puro school books lang ang lagi kong hawak kahit makapal tinatapos kong basahin kahit minsan hindi ko maintindhan  ginagawa ko yun para antukin pero naisip ko na marami akong matututunan sa binabasa ko. like I said nung nabili ko ang libro ng pagsusuplado alam kong humor book siya at hindi makakatulong sa pagsusulat ko pero for me stress reliever siya kasi halos lahat ng tips na nandon magagawa mo pero on my part hindi lahat ng tips ginagawa ko  kasi ayokong isapuso ang pagiging suplado ko dahil madaming magagalit sakin  instead trip trip lang ang ginagawa kong pagsusuplado sa ibang tao  pero mostly mas nagsusuplado talaga ko sa mga hindi ko kilala at sa mga kups kong kaibigan  

Habang pinagaaralan ko ang art of supladoness nagsusulat parin ako,Ni-like ko ang fan page nung author sa facebook. November last year Nagkaron ulit ng bagong pag-ibig na sa symbianize ko lang din nakilala pero hindi rin kami nagtagal bakit? Ang sagot “hindi ko alam” it’s her choice not mine  habang nasa state of denial ako nawalan ako ng gana magsulat dahil gusto ko libangin ang sarili at makalimot kahit saglit ang ginawa ko gumala pumunta sa mall at kung ano-ano pa, nung time na nasa national bookstore ako at inaabangan ang release ng book 2 ng suplado tips na akala ko December ang release eh hindi pala pero may isang humor book akong nakita na alam kong hindi interesting kasi ang cover ng libro “Panty”  at natawa ko sa title “the kikiam experience by:Jay Panti” habang nakatitig sa nakitang libro nagisip ng malalim kung bibili o hindi ang desisyon ko ayun binili ko din kaso dalawa lang, nung nasa bahay na ko na-excite akong basahin ang libro at hindi nasayang ang ginastos ko sa librong binili ko dahil naaliw ako sa content ng libro.

Puro kwento ng love life niya, mga babaeng nakilala niya kasama narin ang mga banat niya para matawa at makuha ang loob ng mga girls  ang dami kong tawa sa libro, 2x ko binabasa araw-araw pero nung nagsawa ako naisip ko na bakit hindi ko subukang magsulat ulit hindi agad ako nagsimulang magsulat dahil ang nasa isip ko gusto ko kumpletuhin ang libro ni jay panti. Same month bago ang New year nakumpleto ko ang libro ni Jay Panti, naging malinaw sakin ang lahat kung bakit naging writer siya, ang lagi niyang sagot sa mga nagtatanong sa kanya ay “accidental writer” akala ko talent talaga niya ang pagsusulat pero hindi pala  gusto lang niya magkwento ng magkwento dahil nung panahon ng kabataan niya siya ang bangka sa kwentuhan sa isip ko “ah kaya pala ganon siya” 

Bago matapos ang taon nagsawa narin ako kakabasa ng libro ni Jay Panti kasi gusto ko ibang libro naman ang basahin kaya hininto ko, nag focus ako sa pagsusulat ng poem kahit alam kong konti ang naka appreciate ng ginawa ko okay lang pero hindi naging hadlang sakin ang ganon instead I keep on writing parin 

Dumating ang first week ng January bumalik ulit ako sa national bookstore, dumiretso agad sa humor book section sa wakas na-release na ang book 2 ng suplado tips 
Hindi nagaksaya ng oras kinuha ko at binayaran sa cashier ng makauwi sa bahay binuksan ko agad tinignan ang content, maganda ang concept na ginawa ni Stanley Chilahat detailed pero may isang part na hindi nagpawala ng ngiti ko 

“Sh*t nasa libro ang mukha ko!” sa isip ko, another interesting part once again sa content 
SUPLADO TIPS FROM THE FANS

#8 Kung may nag-private message sayo na kakilala mo sa Facebook at sinabing “Pa-like naman ng status ko!” hiritan mo ng, “Huwag ka na magpasikat, dahil matagal ka ng laos!” Sabay log-out. –Marmandy Abadilla 

ang dahilan kung bakit nasa libro ang mukha at yung tips na binigay ko eh nag request si Stanley Chi sa fan page niya na magsend ng picture together with the suplado book kaya nagsend ako na kahit hindi ko alam kung kailan ang deadline niya. 

Unexpected ang nangyari nung pinakita ko sa mga kaibigan at family ko ang bagay na yun pero for me it’s blessing and I thank god for doing it  lahat natuwa sa nangyari ang iba parang wala lang sa kanila pero okay lang.

Kung hindi dahil sa libro ni Stanley Chi at Jay Panti malamang nawalan na ko ng interes sa pagsusulat pero eto parin ako nandito at hindi humihinto sa ginagawa ko kaya para sa dalawang author na nabanggit ko  ng marami  ako sa inyo.



Ako naman ang magtatanong, kailan mo naging hobby ang pagsusulat?

Lunes, Mayo 7, 2012

endless feelings


another day past
hope it won't last
feelings came back
theres no turning back

i suffer from loneliness
but it became happiness
every minute is counted
while the two of us is contended

i won't ask anything from return
just promise me you'll be mine
until my hair turn into gray
by the time i pray

may heart is torn by an anvil
and it became fragile
by the time you came
it will never be the same

thank you for coming
for everything
for being understanding
and most of all for being caring


05/04/12