Huwebes, Hunyo 28, 2012

Para Sayo

Huwag magkalat kung alam mong ika’y mukhang basura
Kahit daig pa ang babaeng burara
Ipakita ang tapang at huwag puro yabang

Magsaya hangga’t kaya 
Sa huli ikaw din ang aamo
Mangibabaw man ang iyong galit
Kahit ika’y pumapangit.

Mga salita na akala’y may paninindigan
Habang ang lahat ay puro kasinungalingan
Nangangarap ng gising kahit mukhang praning
Kahit walang pakialam sa nais iparating.

Walang mararating kung ang ihi’y mataas
Kahit tinitingala na parang dukhang pantas
Pogi ka man sa iyong paningin
Subukan mo munang humarap sa salamin.

Intindihin ang bawat salita na binibigkas
Kung gusto mo pang abutan ng bukas
Galit at poot ang nararamdaman
Handang wakasan ang iyong kahibangan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento