Biyernes, Hulyo 27, 2012

a message for frenemy


nagpapanggap na tunay na kaibigan
ngunit sa likod ng maskara ay isa palang huwad
inggit at pagnanasa ang hangad
na puno ng pagnanasang umangat kahit hindi naman dapat

gumagawa ng kwento para maging bida
ngunit sa mata ng iba ay isa palang kontrabida
tumatapak sa pagkatao kahit totoo ang kausap
samantala ang pagkatao ay puno ng pangarap

walang pakialam kahit mag-mukhang tanga
makuha lang ang atensyon at pagkalinga
naging katawa-tawa kahit mukhang kaawa-awa
lumabas ang tunay na kulay kahit walang pag-unawa

parang pulitika kung umasta
ngunit mukha namang tuta
panay ang kahol
kahit mukha ka pang kuhol

nagpapanggap na gwapo
ngunit mukha namang trapo
basahin at intindihin ang nais iparating
kung ayaw mong mag-mukha kang ting-ting

lasunin mo man ang lahat
ako parin ang angat
huwag umepal
ang isang katulad mong kupal

humingi ka man ng tawad
pasensiya dahil hindi ako marunong magpatawad
galit at paghihiganti ang nangingibabaw
kahit ang utak mo'y mukhang sabaw

manhid sa binibigkas ng iyong bibig
kahit ika'y magligalig
magsalita ng kahit ano
wala pakialam sa iyong nararamdaman 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento