Linggo, Hulyo 29, 2012

a message for frenemy part 2


nagpapanggap na marunong
pero isa palang mang-mang
hindi pinapahalatang inggit
kahit ika'y pangit.

pana'y ang kwento kahit may bahid ng kasiraan
walang pakialam kahit may natatapakan
masabi lang ang daing
kahit wala namang dating.

kumikilos kahit walang saysay
gagawan agad ng salaysay
natutuwa kapag ang kaharap ay nagkamali
pero kapag siya ang nagkamali hindi naman mapakali.

pinipilit akong higitan
pasensiya pero habang buhay kang talunan
hindi ka kikibuin kahit ika'y magpapansin
kahit ang pagkatao mo'y puno ng hangin.

sabihin man ang pakay
pero mukha ka paring bangkay
pinipilit ang sarili
kahit ika'y makasarili.

mahilig umepal kahit isa palang kupal
mahilig magmalinis kahit halatang madungis
pinipilit itago ang totoong pagkatao kahit isang gusgusin.

basahin at intindihin ang nais sabihin
hindi na aasang maunawan sa katulad mong makitid
lahat ng iyong nabasa ay puno ng galit at bahid.

pumanaw ka man hindi ka iiyakan
bagkus ika'y tatawanan
huwag ka magtaka kung ako'y nagbago
dahil sa kahibangan mo ako'y naging gago.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento