Huwebes, Agosto 9, 2012

Friend zone


alam sa sarili na wala nang pag-asa
kahit pilit paring umaasa
ayaw tanggapin ang katotohan
kahit ang kausap ay nakikipaglokohan.

wala sayong pakialam
kahit panay ang paramdam
sobra ang paghanga
kahit ika'y mukhang tanga.

pinamukha ang pagkabigo
kahit pilit binabago
pinapamukha ang estado sa buhay
kahit ang itsura mo'y mukha ng bangkay.

nagpapanggap kang matalino
kahit ang itsura mo'y hindi mukhang matino
prangka kung magsalita
ngunit nakapikit naman ang mga mata.

bakit hindi pa tanggapin ang katotohan
para matigil ang iyong kahangalan
sana'y ka man mambola
mas maigi kung magpalipad ka na lang ng saranggola.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento