Linggo, Disyembre 23, 2012

pangarap lang


marinig ko lang ang pangalan mo 
bigla akong umaamo
boses mong pamatay
para nakong mahihimatay.

tawa mong nakakaloko
madalas mapagkamalan akong nasisiraan ng bait
sa tuwing naririnig napapawi ang aking galit
hindi kumpleto ang araw na hindi ka inaasar 
kahit ang katulad mo na isang alaskador.

sinasabayan ang bawat trip
pati ako nahahawa sa iyong kabaliwan
okay lang dahil pareho parin tayong nasisiyahan
walang katapusan ang bungisngisan.

kung mabasa mo man ang aking sinasabi
hinding-hindi ako mahihiyang ulit-ulitin 
dahil hindi ako marunong mambitin
na daig pa ang kumot na ginawang sapin.

isang bagay na nais kong mangyari na sana ang lahat ay isang panaginip lang
kung maari huwag na sana ko magising para walang bad ending
dahil iba parin kung masaya ang ending
kahit ang hiling ko ay medyo demanding.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento