Miyerkules, Enero 9, 2013

Para Sayo (Mr.Rant and Mr.Insecure)


walang preno kung magsalita
kahit panay ang iyong dada
salita na hindi kaya panindigan
kaya ayaw tanggapin na isa kang talunan.

wala akong kibo
habang ikaw ay nagiging bobo
walang tigil ang paghatak pailalim
kahit ang itsura mo'y mukhang engkanto sa dilim.

naghintay ng tamang pagkakataon
para gumanti at ika'y ibaon
habang humihinga ako 
unti-unti kitang ipapako.

kulang pa ang lahat ng iyong nababasa
kaya't hindi kita bibigyan ng pag-asa
bumawi ka man ay kulang parin
dahil lumalabas parin na ikaw ang tunay na salarin.


maintindihan mo man ang lahat ng ibig sabihin
wala akong pakialam kahit ika'y magalit
sapagkat mas lalo kang pumapangit
habang ako ay umaangat 
samantalang ikaw ay nai-inggit.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento