Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Pahiram Ako 2

ikaw ba'y marunong mahiya
o sadyang isa ka talagang walang-hiya
sa bagay na iyong nakikita 
kaya't ayaw mong magpadikta.

kapag ika'y natuwa sa nabasa
mabilis ka pa sa kidlat kung mangopya
kahit alam mong marami ang mangungutya
hindi ka nagpapigil at tinuloy ang nais
para magmukhang isang pantas.

ika'y nabuking ngunit pilit lumulusot
nagsalubong ang kilay mukha mo'y nagusot
parang natunaw na kandila dahil nabuking
kaya't hindi ka mapakali at ika'y nagiging praning.

hindi ko kailangan sa inyo'y magpasalamat
sapagkat sobra na't abuso
ako'y inyong nilalamangan at gusto maging tuso
isang bagay ang aking gusto itanong
ang kahangalan mo ba'y bukal sa iyong puso?

walang ibig sabihin sapagkat ito'y isang paalala
sa mga magbabalak para maging sikat
ako mismo ang una sa inyo'y hahatak
hanggang sa putik kayo'y hahalik.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento