Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Pahiram Ako

kapag nagustuhan mo ang nakalagay
hindi ka mapakali at baka ika'y makatay
panay ang paghingi ng permiso
na kahit hindi ko alam kung ano ang iyong iniisip
kaya't huwag kang magtangkang sa akin ay sumipsip.

sapagkat hindi kita kilala 
kaya huwag ka na magkaila
maaring ngayon palang ituring mo kong isang kaaway
sa akin ay walang problema kung nais mo ng mamatay.

siraan mo man ako sa ibang tao
wala akong pakialam 
dahil mas higit parin ang nakakaalam
kaya't hindi mo pwedeng itago ang totoo.

ikaw ba'y sadyang ganon lang talaga ang trip
oh talagang gusto mo lang maging sikat
para makuha ang walang sawang pagpuri
kahit ang lahat ng iyong nakuha ay hindi mo naman talaga pag-aari.

magngitngit ka man sa galit
kulang nalang pwit mo'y uminit
wala akong pakialam 
dahil wala ka namang pakiramdam.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento