Miyerkules, Setyembre 3, 2014

Sandalan

masakit sa parte ko
ang makita kang bigo
sa maling naranasan
kaya't ika'y malungkot
at hindi makalimot

okay lang yan
ilabas mo lahat
sakit na natanggap
kahit ano pa yan
handa akong makinig
basta ika'y nakatitig

sa aking mga mata na parang nangungusap
pangako hindi ako magpapanggap
lahat gagawin sa abot ng aking makakaya
para ang isipan ay lumaya

ilagay ang ulo sa aking balikat
kahit abutin ng umaga ika'y pakikinggan
hanggang ang sakit ay mawala
masakit na sinapit ay isa na lang alaala

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento