Miyerkules, Setyembre 3, 2014

Sulat


Nalulungkot ako ‘pag tayo ay hindi nagkakasundo
Pero mas mahirap naman
Kung wala tayong pagkukusa
Para ituwid ang ating mga pagkakamali, hindi ba?

Sinusubukan ko namang intindihin
At alamin ang iyong panig at mga opinyon
Ganoon din ako…
Pinipilit ko ring linawin ang aking paliwanag
Sa mga bagay-bagay upang maintindihan mo ako.

Kahit mahirap plantsahin ang mga gusot na ating nagawa
Ayos lang, Panget!

Dahil handa akong isugal ang buong buhay ko
Para alamin ang totoong ikaw
Nang hindi nawawala
Ang aking pagtingin, pagsuyo at higit sa lahat, pagmamahal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento