Miyerkules, Setyembre 3, 2014

Sulat (Mirah)

ilang taon ang lumipas
bawat sandali ay kumukupas
saka ko lang naalala
ang araw na tayo'y nagkakilala

aksidenteng nakita
ang bagay na matagal ng nakatago
bawat letrang nakasulat hindi parin nagbago
pilit mang hinahanap ang binagay na sulat
wala nang magawa kundi sumuko
bawat gabi ako'y tuliro

isang bagay ang natagpuan
address ng iyong tirahan
sana'y di ka lumipat ng lugar
para ang liham ko'y makarating

pasensiya na kaibigan
sa tagal ng panahon
saka lang kita natagpuan
kahit di pa tayo nagkita ng harapan
alam kong wala paring nagbago

oras at panahon ang aking kailangan
matapos lang ang gustong ibigay
pangako ibibigay ko agad
para iyong matanggap at mabasa

liham na galing sa dating kaibigan
kahit walang kaalam-alam kung ano ang nangyari
marami paring pwede mangyari

pwedeng mabigo o magtagumpay
ngayon palang pwede na kong magpugay
salamat sa bawat oras
tawanang walang humpay
kahit minsa'y tinatago ang lungkot

kahit hindi sabihin
ramdam ko parin
bawat sakit dinadaan na lang sa tawa

ano man ang mangyari
habang-buhay ang ating pagkakaibigan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento