Way back year 2000 during freshmen year sa isang computer school sa Carmona, bago ko makapasok sa nasabing school ay inasikaso ko muna lahat ng requirements ko sa dating school na pinasukan ko bago ko makalipat sa iba, nung nakalipat na ko ng sa school na gusto kong pasukan ay akala ko’y magiging okay ang unang taon ko yun pala’y hindi.
Around July na ko nakapasok sa school na nalipatan ko kagaya nga ng sinabi ko eh marami akong inasikaso, nung first week ko palang sa bagong school na nalipatan ko ay masaya at halos lahat ng classmate ko ay naging ka-close ko lalo na yung isang babae na kahawig ni Joanne Quintas na hindi pinalad sa height pero kahit ganon pa man eh cute parin siya lalo na pag ngumingiti siya ika nga eh ngiting panalo o kaya eh feeling mo nasa langit ka pag nakita mo siyang nakangiti. Her name is Edna nung una parang wala lang sakin ang ganda niya dahil feeling ko common ang itsura niya, madalas ko siyang kasama pati yung iba pa naming classmate kahit saan kasama ko siya, gala sa mall at sa kalokohan kahit pag p.e. namin nagtatawanan kami kapag may nagkakamali o di kaya’y nag-aasaran, kapag naisip ng isang classmate namin na huwag pumasok majority hindi talaga kami papasok kahit may kj pero okay lang ganon talaga buhay estudyante.
One time nagtanong ako sa isang classmate namin na ka-close niya na out of nowhere bigla ko na lang naitanong
“May boyfriend na ba si Edna?”
“Uy bakit type mo siya no?” pang-aasar sakin
Dinaan ko na lang sa ngiti pero buking parin ako pero inasar ulit ako.
“Hahaha…sabi ko na type mo siya eh”
Hindi parin ako nagpahalata pero wala na kong nagawa kundi umamin sa isang bagay na alam kong sugal talaga, sinabi ko ang dahilan kung bakit gusto ko siya kaya kinilig naman yung kausap ko na halos di na maalis ang ngiti niya, maya-maya’y tinanong niya ulit ako.
“Ano pala plano mo, liligawan mo siya?”
Seryosong sagot ang ginanti ko, isang malaking “Oo”
Wala pa talaga kong balak ligawan si Edna nung panahon na yun pero napansin kong mukhang mapapaaga ata ang gagawin kong move kaya hindi na muna ko nagsalita ng kung ano-ano pa dahil baka mabuking agad ang gagawin ko.
Dumating ang midterm exam hindi ko muna iniisip ang balak kong gawin sa love life ko dahil focus muna ko sa pag-aaral, inisip ko na pagkatapos ng midterm ko sabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanya para hindi pressure sa kanya kaya hinayaan ko lang muna ang mga bagay na magaganap. Tapos na ang midterm kaya pwede na ulit mag-petiks at mag-good time isang bagay ang ginawa ko bago matulog kahit late na ang oras bigla akong naghanap ng stationary sa cabinet ng pinsan ko para kumuha, hindi naman ako nabigo dahil may nakita akong last piece at sinimulang magsulat, dinaan ko sa love letter ang pag-amin ko sa nararamdaman ko dahil that time di ko kayang sabihin sa kanya sa personal in short “Torpe” ako, mula umpisa kung pano ko na-fall sa kanya kahit alam kong sugal ang mangyayari.
Kinabukasan maaga akong nagising para pumasok sa school kaya’t nag-ayos na ko ng sarili para umalis at excited sa mangyayari sa araw ding yun, last subject na namin at ilang minuto na lang tapos na ang klase namin, sa pinakalikod sa gitna ako nakaupo habang yung nakakaalam ng nararamdaman ko kay Edna ay tatlong upuan ang pagitan sa kanan.
Sampung minuto bago matapos ang klase namin ay inabot ko sa classmate ko yung love letter na ginawa at pinagpuyatan ko, sinabi ko din na saka na niya ibigay kapag natapos na ang klase at pag wala na ko para hindi nakakahiya.
Lumipas ang limang araw, balik ulit sa normal ang lahat one time biglang nagkayayaan na gumala pagkatapos ng klase akala ko sa malapit lang pupunta yun pala’y sa Alabang buti na lang ready ako kung sakaling mapagastos, kagaya ng inaasahan ay mapapagastos nga ko dahil kumain kami sa Jollibee buti na lang may budget ako.
Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot-ikot muna kami para bumaba ang kinain, habang naglalakad ay biglang lumapit sakin ang isang classmate ko na pinagbigyan ko ng love letter, nagulat ako dahil may sagot na siya sa ginawa ko pero bago ko palang buksan yung sulat na binigay sakin ay kinutuban na agad ako, eto naman ako si t@**a binuksan yung sulat para malaman ang nilalaman at binasa habang naglalakad ng mabagal para maintindihan ko ang nilalaman.
Pagkatapos kong basahin bigla na lang akong nawalan ng gana mag-enjoy at magsaya dahil sa salitang nakasulat ay talagang namang masakit, isang salita na talagang dumurog sa puso ko.
“I’m inlove with someone else and I don’t like you”
Gusto ko mang umiyak pero hindi ko ginawa dahil mabubuking ako kaya di na lang ako nagsasalita pag nagkakatuwaan sila dahil spaced na utak ko nung mga panahon na yun kaya bigla silang nagtaka sa ginawa ko.
“Huy anong nangyari sayo, bat ang tahimik mo?”
“Wala may iniisip lang ako, huwag niyo ko intindihin okay lang ako”
Ang totoo hindi talaga ko okay dahil sa nabasa ko sa sulat in short basted ako kay Edna, habang naglalakad-lakad kami sa mall ay bigla nilang naisipang bumaba sa second floor gamit ang escalator dahil nasa third floor kami habang kasama ko sila, ang ginawa ko nagpahuli ako sa kanila, hindi ko na inisip kung hahanapin ba nila ko o hindi kung sakaling nawala ako sa paningin nila at kagaya nga ng inaasahan ko hindi ako hinanap maliban sa isang classmate naming lalaki na patingin-tingin sa paligid nagbaka-sakaling makita ako pero nabigo sa paghahanap.
Nag-solo akong gumala sa mall at umiiwas sa ibang lugar para hindi nila ko makita nag-iisip ng kung ano-ano kahit pilit ko pinapasaya ang sarili ko pero wala dahil masama ang loob ko hanggang sa paguwi ko sa bahay at sa pagtulog hindi ko makalimutan ang nangyari sakin.
Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng nangyari sa mall medyo naiisip ko parin ang nangyayari kahit konti, Hindi ko narin siya kinakausap kapag magkakasama kami o nagkukulitan one time nagulat ako dahil may bago silang kasamang lalaki na moreno na matangkad at panay ang dikit kay Edna, akala ko suitor niya kasi madalas niyang kasama kahit saan, nagkaron lang ng sagot ang tanong ko nung makita kong magka-holding hands sila at minsan pa nga’y nagtutukaan sila ng palihim lalo na pag nasa loob ng campus.
Natapos lang ang pagiging sawi ko kay Edna nung natapos na ang semester at nung lumipat ako ng school.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento