Linggo, Disyembre 14, 2014

Galit

gustong ialay ang kamay
mas gugustuhin ko pa mamatay
sapagkat ang pinakita ay peke
kita sa mukha na wala kang paki

salita ko’y binabalewala
ngunit bawat letra di pwede ipagkaila
kapag ako ang nakilala
tiwala ay biglang mawawala

sa iyong kahangalan ako’y nagbago
sapagkat ang katulad ko’y bumalik sa pagiging g@#o
dahil sa maling inasal
kahit muntikan pa kong magpatiwakal

salita ko’y pwedeng tawanan
ngunit mahirap kalimutan
sapagkat bawat salita ko’y tumatagos
kahit iyong kaluluwa’y walang ligtas

humingi ka man ng tawad ay huli na
pagkatao ko’y balot ng poot at galit
sa katulad mong nagmamaganda
ngunit sa mata ng iba ika’y isang pangit
kahit noo mo’y kumunot
wala kang magagawa kapag ako ang bumanat

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento