Linggo, Disyembre 14, 2014

Puna

sa mundong ating ginagalawan
halos lahat mahirap intindihin
maraming nagpapanggap na henyo
ngunit utak ay nalason ng demonyo

ugali ay nag-iiba
kaya ang karamihan ay ayaw magpakumbaba
mga salitang binibitawan
hindi kayang panindigan

kanilang mata sa akin nakatingin
ngunit takot silang sambitin
ang salita na nais sabihin
sapagkat alam nilang ako’y maraming babanggitin

akala nila’y salita ko’y tapos na
ngunit ako’y nagsisimula pa lamang
kaya’t maraming nag-aabang
ngunit lahat sila’y mang-mang

madalas sila’y kumontra
ang di nila alam marami akong pangontra
sa kanilang gusto ibitaw
ako parin ang magwawagi at nasa ibabaw 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento