Kahit sino marami ang nakaka-alam ng word na “internet” kaya hindi ko na papaliwanag kung ano talaga ang ibig sabihin nun : p
Simple lang kaya mo naisip basahin ang nilalaman nito, na-curious ka tama? uy ayaw pa umamin hehehe…okay lang yan pre, bro, miss, mam pwede mo ibulong sakin kung ano yun hehehe….. tongue
Huwag kayo mag-aalala hindi ito another suplado story o kung ano man ang gusto niyo isipin tungkol sakin okay? Pero bago ang lahat isang malaking….TSE!
Ano ba ang unang pumapasok sa isip niyo kapag sinabing internet, malamang marami tama ba?
Pwede ko bang isa-isahin kung kaya kong sabihin lahat ng alam ko pero hindi lahat alam ko kagaya ng madalas sabihin sakin ng kaibigan ko na “dami mong alam!” kung alam ko lahat eh malamang mas magaling pa ko kay google o kaya kay mr.wiki pero kagaya ng sinabi ko kanina eh hindi lahat alam ko.
Okay umpisahan ko na ang gusto kong sabihin, uulitin ko ulit ang tanong ko, ano ang una mong naiisip sa tuwing naririnig mo ang salitang internet? browse, surf, chat, download. Tama ba ang hula ko?
Kung ako ang tatanungin kung ano ang pagkakaalam ko sa browse eh simple lang, maghanap ng interesting na pwedeng basahin etc…kagaya nga ng sabi samin ng dating computer technician ng school eh “class explore the net” sa sobrang pag-eexplore ko ayun kung ano-ano ang na-browse ko isama mo pa yung educational part na karamihang gusto ng mga guys if you know what i mean hehehe….
Sunod naman eh surf, para sakin halos pareho lang sila ng browse as in walang pinagkaiba kung meron man eh sa word lang tama ba?
Pangatlo chat, madalas gawin to ng karamihan lalo na sa panahon ngayon kung may account ka sa isa social networking site sigurado madalas kang makipag-chat sa mga kaibigan o dinidiskartehan mong girls kung hindi naman eh sa yahoo messenger ka madalas makipag-chat lalo na kung may libreng palabas if you know what i mean.
Pang-apat download, ang paboritong pampapalipas oras ng karamihan hehehe….lalo na ang lalaki kasi madalas sila mag-abang ng update kagaya ng educational picture na….alam mo na o kaya eh educational video.
Karamihan ng mga nabanggit ko ay pwedeng pagsabay-sabayin lalo na kung mabilis ang specs ng computer mo pero kung mabagal eh sigurado nga-nga kang naghihintay dahil usad pagong ang mangyayari, pwede din namang kahit dalawa o kaya naman tatlo minsan kahit isa lang ang gawin mo sa mga nabanggit ko.
Yun lang ang alam kong dahilan pero tingin ko marami pang dahilan, yung sinabi ko eh parang sabaw na paliwanag. Maaring tumpak ang sinabi ko maari ding hindi.
Isang bagay ang laging tatandaan kapag nakaharap ka sa computer:
“Explore the net!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento