Linggo, Disyembre 14, 2014

Unknown Texter

Tinatanong kasi ng maayos.

Karamihan sa atin kapag walang magawa o bored sa isang araw ay maghanap ng bagong ka-text para maraming kakilala kaya’t karamihan sa atin ay sinusubukang mag-register sa isang text chat kung hindi sa cable channel sa mismong sim card na gamit na kahit alam mong mababawasan ka ng load okay lang dahil may nakakausap ka.

Isang araw nung wala akong magawa kaya’t naisipan kong pumasok sa isang room sa text chat gamit ang sim, kahit nakita ko kung sino ang tao sa room wala akong ginawa kundi isa-isang sinilip kung sino-sino ang online kahit ang karamihan sa kanila ay puro barako na nag-aabang ng girls para may ma-flirt kaya wala akong pm sa kahit sinong online sa room.

7 pm saktong paalis ako papuntang manila para sa isang meeting biglang may nagtext sakin na di nakasave sakin na ang bungad ay common.

“hi”

Iisa lang ang madalas kong reply kapag ganon ang bungad ng text sakin.

“who you?”
Wala pang isang minuto may reply na agad.
“jeane”

Napaisip ako bigla, akala ko kung sinong jeane yung nagtext sakin kaya’t tinuloy ko lang ang pakikipagtext kahit alam kong niloloko lang ako kaya sinakyan ko na lang trip niya, maya-maya pa’y nagreply ako para manigurado.

“ay nagpalit ka ng number”

Sinundan ko pa ng isang text ulit.

“saan mo nakuha number ko”

Maya-maya nagreply siya.

“sorry, wrong send”

Nagreply ako.

“nope, I’m just asking kung saan mo nakuha number ko”

Sinundan ko agad ng tanong.

“taga saan ka?”

Pero iba ang reply niya.

“please just erase my number”

Medyo natuliro ako ng konti pero sinakyan ko parin trip niya kaya nagreply ako in a nice way.

“why would I do that, no worries mam”

Delay ang ibang text niya, sinabi niya na taga manila siya at tinanong ko kung saan siya sa manila pero isa ang madalas niyang sabihin.

“plese erase my number, I’ve change my mind”

Nahalata kong nagiinarte kaya nahiritan ko.

“arte mo, tse!”

Halatang nagulat siya kaya nagreply siya.

“hala! ang sama”

Medyo naiinis na kasi ko dahil sa inaasta ng ka-text kong ayaw magpakilala talaga kaya nasabihan ko.

“tinatanong ka kasi ng maayos”

Pero gaya ng inaasahan ko, inulit lang niya ang sinabi niya nung una palang.

“please! please! erase my number”

Ano pa nga ba ang gagawin ko sa ganyang klasing tao na ayaw magpahuli, simple lang nahiritan ko na naman at yun na yung huling reply ko sa kanya.

“ang arte mo, tse!”


-Wakas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento