Martes, Hulyo 2, 2013

ang hatol para sa mga hudas

magsama man kayo para ako'y pabagsakin
mag-isip muna kayo bago niyo gawin
hindi ako basta-basta magpapadaig
sa mga katulad niyo na walang ginawa kundi ang magligalig.

alam ang salitang respeto ngunit nakalimutan
dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin
nalason man ang utak ng iba
hindi parin magawang magpaka-kumbaba.

pinipilit i-angat ang sariling estado
ngunit hindi parin magiging respetado
bagkus ay naging desperado
dahil sa isang motibo
kaya't ika'y naging bobo.

hindi alam ang totoong dahilan kung bakit ka naging ganyan
sapagkat ang alam ko'y ako ay nagpakatotoo
samantalang ang sayo'y may bahid ng kasamaan
at nagi-isip ng masama
kahit ika'y walang panama.

nangangarap na ako'y paluhudin ng mga kaaway
matutuwa ang isang katulad ko at sama-sama kayong mamamatay
sa kamay ng isang tahimik pero grabe kung umatake
hangga't kayo'y nasa mundong ibabaw
hinding-hindi kayo makakaligtas
dahil nasa kamay ko ang batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento