Martes, Hulyo 2, 2013

epekto ng pagiging inlove


hindi makapag-isip ng mga bagay-bagay
kaya't ngayon ay hindi mapalagay
laging tulala at madalas nakatingin
sa kalangitan at sa mga bituin.

iniisip kung ano ang gagawin
kahit pakiramdam ko'y parang tumitigil ang orasan
pati ang aking mundo
kahit hindi ako sigurado.

isang bagay ang tangi kong alam kaya't nagkakaganito
dahil ako'y napana at na-inlove sayo
na ngayo'y matindi ang epekto sa aking pagkatao
pati sa kaluluwa ko.

ayokong matapos agad sa ganito ang lahat
dahil hindi naman yun ang dapat
kaya't susulitin ko na bago pa matapos
habang hindi pa ko kinakapos.

walang katulad ang nararamdaman
at walang nakakaalam kahit sino man
sa mundong ating ginagalawan
pangako na ikaw ang gustong makasama kahit saan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento