Martes, Hulyo 2, 2013

unang tingin

unang sulyap ko palang
bigla akong na-praning
at hindi alam ang gagawin
nang bigla kang masilayan.

hindi pa man nagkakaron ng magandang usapan
alam kong magkakaron ng pagkakataon
kahit hindi hintayin
asahan mong darating parin
nang hindi namamalayan.

kahit hindi mo alam at maramdaman
puso ko'y biglang napana ni kupido ng hindi ko napapansin
kaya't ang nangyari lagi akong kulang sa tulog
at muntikan ng mahulog.

ang nararamdaman ay totoo kahit hindi mo pa alam
okay lang kung di mo ramdam
ang bagay na gusto kong marinig mula sayo
huwag lang ako magmukhang tuyo.

walang dahilan para ako'y magkagusto
sa isang katulad mo na daig pa ang santo
kaya't hindi pwede gumawa ng milagro
at maging mapaglaro.

kung sakaling palarin sayo
at makuha ang matamis mong oo
tatawagin ko ang lahat ng santo
dahil ako'y magsasaya at magbubunyi
sapagkat binigay sakin ang isang katulad mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento