Martes, Hulyo 2, 2013

mensahe ko sayo

sumuko man ang isa ngunit ayaw tapusin ang lahat
pinipilit makuha ang atensyon kaya't siya'y nagu-umpisang magkalat
ayaw magpadaig sa sinumang gusto makaharap
kahit na ang isang katulad mo'y mahilig mangarap.

sinara na ang huling pahina ng aklat
ngunit pilit paring binubuklat
ayaw magpatalo sapagkat alam na nasa tama
na ang totoo wala talagang panama.

hindi man maintindihan ang una kong ginawa
wala akong pakialam kahit ikaw'y magmaka-awa
dahil hindi pa natatapos ang lahat 
kahit pilitin pang umangat.

pilit mang ibalik ang dating samahan
huwag na lang umasa dahil wala ng pagkakataon
na ikaw mismo ang dahilan kaya nagkaron ng lamat
kahit pilit mang ayusin ang lahat
hindi ko na lang iisipin na ganon ang nangyari
sapagkat hindi mo pag-aari ang lahat ng kasalungat.

hindi ko na iisipin ang isang katulad mo
sapagkat nung una palang hindi ka nagpakatotoo
sa mga bagay na aking ginawa

kahit muntik ka na mapariwara.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento