Sabado, Setyembre 21, 2013

hanggang dito na lang ba?

umpisa palang kaibigan na ang turingan
ngunit habang tumatagal unti-unti mo kong nilalayuan
kahit hindi alam ang totoong dahilan
hindi ko parin magawang ika'y tanungin.

kahit pabor sa parehong gusto
kaya't biglang nagkasundo
sa isang bagay na tayong dalawa ang lubos na nakakaintindi
kulang na lang ika'y marindi.

sa paulit-ulit na pagtatanong
kahit minsa'y bigla kang sinusumpong
ngunit hindi mo parin magawang magalit
kahit minsa'y mga biro ko'y sadyang nakakabwisit.

madalas akong topakin dahil sa maling sagot
na akala ko'y nakakabagot
kaya't bigla akong nagagalit
samantalang balewala sayo ang lahat.

hindi mahulaan ang totoong iniisip
dahil sa sobrang malihim
kahit nagi-isip pa ko ng taimtim
naisip kong sumuko na lang sa bandang huli.

iniisip mong selos ang aking nararamdaman
ako'y nagtatampo lang
kahit pilit kong kinukuha ang atensyon
wala paring nangyari kaya't ako'y tumigil sa aking kahibangan.

ayokong putulin ang nasimulang pagkakaibigan
sa iyong ginagawa para mo na akong pinagtatabuyan
at binibigyan ng dahilan para ika'y iwanan
pero hindi ko parin kayang gawin.

dahil alam kong hindi basta-basta matatapos ang lahat
kahit wala pa sa kalahati ang ating nasimulan
masakit man tanggapin ang katotohanan
wala akong magawa kundi intindihin.

ang mga bagay na kailangan kong isipin
at kung saan ako nagkamali
kaya't ngayon hindi ako mapakali
kahit ako'y nagpapakumbaba
isang bagay ang aking madalas sambitin
hanggang dito na lang ba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento