Sabado, Setyembre 21, 2013

Padalaw

pwede bang dumalaw sa bahay mo
kasi gusto kong masilayan ang pulang puso mo
hindi ako mahihiya dahil medyo kakapalan ko ang aking mukha
handang-handa akong tumaya sa magiging resulta
lalong-lalo na sa magulang mo 
kahit ako'y abutin ng hating-gabi.

sumasaya ako kapag ika'y katabi at nasisilayan giliw ko
binibini buksan mo ang inyong pintuan 
ako ay papasok sa inyong tahanan
para ika'y ligawan at makakwentuhan
tanggapin mo ang aking handog na chocolate at rosas na galing sa puso ko.

simple lang ang aking nais kundi makamit ang matamis mong oo
kahit araw-araw kitang dadalawin at haranahin ako'y magpapakatotoo
dahil ang totoong intesyon ay hindi parin magbabago
handa sa magiging resulta kahit ako'y mabigo.

abutin man ng buwan o taon ang panunuyo
handa akong mag-tiyaga at magsumamo
sa isang katulad mo na may mukhang bumihag sa puso at kaluluwa ko
ipangako mo lang na hindi ka manloloko.

magsawa ka man sa aking mukha
itaboy man ako palabas ng iyong bahay
babalik at babalik parin
kahit ilang beses iwasan
hindi ka titigalan hanggang sa ako'y magtagumpay
habang ang iba'y nagsisimula ng mag-pugay.   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento