Sabado, Setyembre 21, 2013

Munting Kaibigan

tanda mo pa ba hanggang ngayon
ang lahat ng ating kalokohan
na kahit sa haba ng panahon
nakatatak parin sa ating isipan
kahit ang iba ay hindi na natin matandaan.

natatandaan mo pa ba ang una mong paghipo
isama pa yung paghawak at pagsapo mo ng pwit ng iyong kalaro
kahit kokonti palang alam mo tungkol sa ganong bagay
ngunit habang tumatagal ika'y nag-enjoy.

nalalala mo pa ang ginawa ko sa iyong harap
habang tayo'y naglalaro ng taguan at nagtatago sa burot na kalaro
hindi ko napigilan ang gera sa aking tiyan
kaya't ako'y napautot sa iyong mukha na halos lahat ng amoy ay iyong nalanghap
nainis man nung una ngunit sa huli'y dinaan na lang tawa sa dahil ika'y hindi nagpapanggap.

natatandaan mo pa ba ang unang mong pag-iyak dahil ikaw ay na-basted ng iyong nililigawan
lumapit ako sayo at nagtanong kung ano ang dahilan
pero imbis na sumagot ay dinaan mo lang sa hagulgol
dahil ikaw ay lubos na nasaktan at hindi matanggap ang katotohanan
sa bawat hikbi ni hindi ko magawang tumawa dahil pareho tayo ng naranasan
kaya't ako'y nakinig at ika'y dinamayan.

kahit malas ang kapalaran natin
hindi parin tayo tumigil bagkus ay lumaban parin
hanggang sa nakamit ang mithiin
hindi parin tayo huminto
dahil gusto nating mabago ang ating totoong pagkatao.

inosente't may mga gatas pa sa labi noon
pero nung tayo'y nagkaisip natatawa na lang sa panahon na nagdaan
kahit lumipas na ay hindi parin natin makalimutan
dahil kabisado ng isa't isa ang bawat kalokohan na ginawa at inumpisahan.

ilang beses napagalitan pero tuloy parin ang ligaya
dahil mas gusto nating magsaya
at kalimutan ang masasakit na ala-ala
kahit minsa'y lagi tayong tulala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento