Sabado, Setyembre 21, 2013

salamat na lang

una palang dama ko na ang tensyon
kahit pilit kong kinukuha ang inyong atensyon
ngunit walang nagbago sa ating pinagsamahan
dahil unti-unti niyo kong binibigyan ng dahilan para ituloy ang kasamaan.

iniisip niyong kayo lang ang magaling sa lahat
kaya't pare-pareho naman kayong sumasatsat
kahit panay ang puri niyo sa iba
ngunit kahit minsan hindi niyo nagawang magpakumbaba.

kahit mali pinipilit niyo paring itama ang lahat
sapagkat nagagawa niyo paring makalusot
na konti lang ang nakakaunawa ng totoong dahilan
gusto man ipagtanggol ang sarili
walang magawa dahil sabay-sabay kayong umaatake para ipamukha kung sino talaga kayo
sinasamahan pa ng bahid pulitika kaya't sa huli kayo parin ang nakatayo.

hindi niyo man masabi sa mukha ko ang totoong nararamdaman
ngunit unti-unti niyo namang pinaparamdam sakin ang sakit na nilalaman
kulang na lang ay ako'y layuan na daig pa ang taong may ketong
hanggang sa iwan akong nakaratay at makatulog ng mahimbing.

hindi ko iisipin na ang lahat ay ka-plastikan o katotohanan
dahil wala naman tayong pakielaman sa bawat isa
kahit araw-araw kayong mag-usisa
mas gugustuhin ko pa maging mapag-isa.

kesa makasalamuha ang mga kagaya niyong peke
na pinipilit magpakatotoo ngunit labas naman ang sariling baho
kahit maligo sa pabango umaalingasaw naman ang totoong amoy
na kagaya ng isang baboy kaya't ako'y pilit niyong tinataboy.

bawat bigkas ng salitang RESPETO mula sa inyong bibig
hindi niyo parin nagawang magpakatotoo dahil ang lahat ng inyong kilos ay palabas lamang
kahit dinadaan niyo ang lahat sa salita na maaanghang
pasensiya na lang dahil hindi lahat ng inyong kinakausap ay mang-mang.

isang salita ang nais ipadama 
kahit ang puso niyo'y naging bato
ako'y magpapakatotoo kahit sarado ang mga tenga.

isang bagay ang gustong iparating
kahit wala sa inyo'y dumating
salamat na lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento