una palang akala ko walang katapusan ang kaligayahan
pero ang lahat ng yon ay isa lamang ilusyon
na akala ko tayo parin ang sa huli ang nakatadhana
ngunit huli na pala bago ko pa iyon napuna.
lahat ng oras at panahon ay nasayang lang sayo
iniisip ko kung ano ang problema mo
ngunit wala kang lakas ng loob na sabihin
sapagkat takot kang umamin.
takot ang nangibabaw kaya't hindi mo na lang pinagtapat
kahit madalas ako'y iyong kaharap
samantalang ikaw ay patuloy sa pagpa-panggap
kahit pilit parin kitang hinahanap.
hindi man kita matagpuan hindi ka rin kawalan
kahit nung una'y masakit tanggapin
ang sakit na iyong iniwan
na kulang na lang ay ibaon mo ko ng buhay sa aking kinatatayuan
habang ikaw ay unti-unting nawawala sa aking paningin.
minalas man ako sa katulad mong makitid at sakim
wala ng pag-asa sa pangalawang pagkakataon
habang dinadasal ng taimtim at isipin na ito'y isang lihim.
lahat man sa atin ay nasayang
wala kang pakialam habang ako'y naging sunud-sunuran
ngunit ng ako'y natauhan saka ka nanghinayang
kahit ako'y pilit mo paring inaabot
subalit ika'y nayamot at nabwisit
habang ako ay ayaw na umulit.
sa maling relasyon na maraming hadlang
na alam mong ikaw ang may pagkukulang
ngunit ayaw mo paring tanggapin
dahil takot kang pagtawanan
at iwan ng lahat ng iyong kaibigan
sapagkat takot kang mapag-isa
kaya't sa kanila'y ikaw ay naka-asa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento