Biyernes, Agosto 30, 2013

Realidad (poem for the falling king)

sa pagmulat ng yong mata biglang nagbago ang iyong pagkatao
kahit sa mata ng iba'y hindi na makatao 
na tingin mo'y marami ang nakakaalam 
ngunit wala ka namang pakialam.

alam mong ang lahat ay mali
pero kahit minsan hindi mo ginawang maging tama
sapagkat sanay kang ipagkalat at ayaw mong itama
mga bagay na ginagawa mo kahit marami kang natatapakan
na kahit alam mong ikaw ang panalo ngunit sa huli isa ka paring talunan.

marami sa iyo ang namangha dahil lahat sila'y nadaan sa iyon matamis na salita
ngunit mas lamang parin ang hindi naniniwala at ayaw sayong inasal
kahit sa huli'y nagmukha ka paring pusakal
na kulang na lang ay magpatiwakal.

ngayong nawala sa eksena at ang lahat ay napilay
dahil nawala ang tinuturing nilang hari
kahit ang lahat ay hindi mo parin paga-ari
wala ka paring nagawa kahit ano pa ang mangyari.

na kahit sila ang nagtuloy ng iyong nasimulan
hindi rin magtatagal lahat ay mauuwi sa katapusan
ikaw at ang iyong kapalig ay patuloy parin na ako'y pabagsakin
wala kayong magagawa dahil unti-unti ko kayong lalamangan.

kaya't habang-buhay kayong mamamatay sa inggit 
na kulang na lang ay maging pangit
noo niyo ma'y maging kunot
araw-araw pa rin kayo magngi-ngitngit sa galit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento