Biyernes, Agosto 30, 2013

kaibigan ka ba talaga

humarap at nakipag-usap ka sakin na akala ko'y totoong tao
ngunit sa huli isa ka palang demonyo
na pilit akong nilalason dahil sa isang intensyon
ngunit sa huli ika'y nabigo
kaya't ika'y nagpaka-gago.

unti-unting lumabas ang tunay mong kulay
kahit hinihintay mo kong mamatay 
subalit ang paghihintay mo'y ganon parin
dahil ika'y umaasa parin
sa isang bagay na gustong mangyari
pasensiya dahil hindi mo ko pag-aari.

marami ang sayo'y tumitingala dahil ikaw ang nagi-isang hari
ngunit ang totoong motibo ay gusto mo lang mapuri
tinago ang totoong ugali dahil takot mapahiya
subalit sa huli isa ka palang walang-hiya.

tingin sa iyong sarili'y isang hari 
ngunit ang isang katulad mo'y walang trono
kahit pinipilit na ika'y nasa tono
wala kang nagawa kahit anong gawing pagdadahilan
kaya't ikaw ay unti-unting nabaon sa iyong kinatatayuan. 

ang ibang tao ay tuluyang nalason at sayo'y sumuporta
pero nasaan na sila nung oras na ikaw ay naiipit
kahit ang karamihan ay sumasawsaw
samantalang utak mo'y isa palang sabaw.

patuloy man ang iyong nasimulan
walang magagawa sapagkat hanggang doon na lang
sapagkat hindi na maaring umangat
dahil ang lahat ay unti-unti kang iniwan sa ere
hanggang sa ikaw ay tuluyang mawala na parang bula
kahit sa una'y ang lahat ay iyong nabola.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento