kahit alam mong wala naman siyang ginagawa sayo
pero bakit patuloy ka parin sa trip mong walang saysay
oh sadyang nagsasawa ka lang sa iyong buhay.
malapit narin akong sumuko sa ginagawa mong mali
kahit araw-araw kang hindi mapakali
hindi makuntento sa kung ano ang ibinigay sayo ng nasa itaas
kaya't ngayon ikaw ay nagiging mapagmataas.
nakaangat ka lang konti pero mas mataas pa ang ihi mo sa iba
kahit kaya mong magpakumbaba meron ka paring pangamba
sa iyong pagkatao na kahit kaya mong gawin
ngunit ni minsan hindi mo naman sinubukan.
kaya't sa tuwing ikaw ay nakikita
maraming mata ang sayo'y nakatingin
dahil sa iyong inaasal at pagu-ugali
kahit alam sa iyong sarili ang pagkakamali.
hindi pa huli ang lahat para magbago ka kapatid
dahil ang isang katulad mo ay hindi isang makitid
dalangin ko na sana sa lalong madaling panahon
maumpisahan mo ang isang bagay na alam ikaw rin ang makikinabang
basta ipangako mo na hindi ka magiging mayabang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento