Biyernes, Agosto 30, 2013

kung alam mo lang

nakita lang kitang nakangiti
biglang tumigil ang mundo ko at hindi na mapakali
sa sayang iyong binigay na kulang na lang ako'y mahimatay
basta't huwag lang ako mabibitay.

sa bawat araw na ikaw ang kausap
pakiramdam ko'y para na akong nasa alapaap
kahit hindi ko alam kung ang mga mata mo'y parang nangungusap
na ika'y mamahalin habang buhay
basta ipangako mong hinding-hindi ka aalis.

maaring sa ngayon hindi mo alam kung ano ang aking totoong nararamdaman
huwag mabahala dahil malapit na magkaalaman
sa oras na ako'y maipit sa sitwasyon
kahit hindi mo na ko tanungin
para lang mapaamin sa isang bagay na nais malaman.

hindi ako natatakot sa iyong sagot
at hinding-hindi ako mahihiya
dahil handang-handa akong tumaya
sa larong alam mo na madalas hindi patas
pero mas nanaisin kong lumaban hanggang sa ako'y mapunta sa taas.

para malaman ng iba na ako ang nakakuha ng puso mo
dahil sa walang sawang pagsusumamo
kahit marami ang karibal
hindi ko parin magawang magpatiwakal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento