Biyernes, Agosto 30, 2013

mensahe para sa babaeng malandi

iniwan mo man ako noon sa ere dahil alam mong wala kang future
sa aking pagkatao'y dinaig ko pa ang na-torture
dahil sa maling desisyon na iyong ginawa
habang ang katulad ko'y ginawang kawawa.

hindi matanggap sa una ang lahat ng hindi inaasahan
na ang pakiramdam ay unti-unti akong binabaon
sa aking kinatatayuan na kulang na lang ako mismo ang gumawa ng aking sariling libingan.

hindi pa man nakakabangon sa sakit na naibigay
nakakagulat dahil sa isang tao ikaw ay bumigay
gumawa ng dahilan para makipaghiwalay
dahil may isang taong naghihintay.

sa bandang huli naging malinaw ang lahat
dahil sulutan ang naging ugat
na kahit gusto kong magalit
dinaan ko na lang sa pekeng pag-ngiti.

nagtagumpay man ang taong nanulot
mabilis naman bumalik ang kapalit
dahil sa maling paraan 
nagkaron ang isa ng panibagong pagkakataon.

naulit ang isang bagay na alam mong mali
pero sumabay ka naman sa agos at trip
kaya't pakiramdam mo kinababaliwan ka ng dalawang tao
hindi ko na sasabihin na kasama ako dahil matagal ko ng tinanggap na hindi ka para sa akin.

kahit alam kong insecure ang huling nanulot sayo
wala akong pakialam dahil mas lamang ako sa kanya ng sampung paligo
kahit pagtabihin kaming dalawa
alam kong siya parin ang mukhang kawawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento