Biyernes, Agosto 30, 2013

kaibigang walang katulad

sa simula't sapul akala ko'y hindi magkakasundo
dahil magkaiba ang ating trip
kaya't ang isa satin ay laging bad trip
na tingin ay parang nagpapanggap.

walang sinuman ang makakahigit sa tindi ng ating pinagsamahan
kahit marami ang kumontra at hindi sumang-ayon
sa bawat araw na tayo'y madalas magkasama
na kahit minsa'y muntik pa tayo mapasama.

maraming beses narin nagkaron ng tampuhan
ngunit ang solusyon ay kapatawaran
sapagkat parehong malawak kung mag-isip
kahit masakit ang bawat binibigkas buong puso paring tinatanggap.

sa lungkot at ligaya
parati tayong masaya
samahang hindi kayang sirain ng kahit sino man
kahit marami ng nagtangka hindi parin kayang pabagsakin.

kaya't salamat sayo kaibigan
na kahit anong mangyari andyan ka parin
kahit minsa'y nagawa mong mang-indian
sakin walang problem dahil ito'y aking naiintindihan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento