Biyernes, Agosto 30, 2013

ngiti

nakita kitang byerne santo na naman ang mukha
kaya't ako ay nagulat at nagtaka
sa itsura ng iyong mukha
na kulang na lang ay magpalit ka ng anyo

kaya't ako'y naglakas loob na lumapit
para subukan bigyan ng solusyon ang iyong dinadamdam
at para mapawi ang iyong galit
na kulang na lang ika'y maging pangit.

huwag kang mahiyang sabihin ang sariling saloobin
nandito lang ako at handang makinig para ika'y intindihin
kahit abutan pa ng araw hinding-hindi iiwan
hangga't ang iyong dinadala ay hindi mahanapan ng solusyon.

pero isang pakiusap lang bago isipin ang problema
bakit hindi mo subukang ngumiti kahit sandali
para mabasawan ang sakit na nararamdaman
at huwag isipin na ika'y minamadali.

sa simpleng ngiti ay unti-unting nakakalimutan ang isang bagay
kaya't walang masama kung hindi mo susubukan
kung ako sayo uumpisahan ko ang isang naisip na solusyon
dahil alam ko galit ang nangingibabaw sa iyong pagkatao
kaya huwag kalimutan ang pag-ngiti kahit isang saglit lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento